My Story

First of all gusto ko muna i introduce yung sarili ko I’m Abe..  An average juan who is currently working as an engineer, who also “wants more time and money in life para magawa ko ung mga gusto ko at maging blessing sa iba”… Sino nga ba ang may ayaw nito? Sa tingin ko lahat naman tayo gusto ng more time sa pamilya natin at nabibili natin ang mga gusto natin sa buhay, unfortunately madali lang itong sabihin pero mahirap talagang gawin.

10150791_10203424365870223_260409068_n
My school ID when i was in elementary ang saya ko no? hehe

Okay tuloy…

I came from an average family, hindi kami mayaman and hindi naman kami ganoon kahirap BEFORE! hehe.. to make it more clear, noong bata ako mga around 5-10 yrs old masasabi ko na well-off kami, i grew up in manila at sa private school ako nagaaral(yabang eh no?), yung parents ko parehas silang business people, and syempre sa business hindi laging sagana, in the year 2000s unti unting nagdecline ung businesses ng parents ko hanggang sa na bankrupt na kami, OO as in simot, so bumalik kami sa probinsya namin sa Batangas, medyo naghiwalay ung family ko pero hindi naman totally BROKEN, dala lang siguro ng disappointments sa buhay. Si mama nagsimula ulit siyang magnegosyo sa Batangas at masasabi ko na pursigido siyang pag aralin kami ng mga kapatid ko, pero ang nasimulan ni mama ay nalugi ulit  at nawala rin parang bula, highschool ako noon at hirap na hirap kaming bumangon ulit, ayoko ng i emphasize pa pero hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong iyon kung kelan walang wala kami at di na ako nakakapasok sa school dahil wala akong perang pang baon.

Okay fast forward tayo ng konti, nakatapos naman ako ng high school sa pamamagitan ng kaliwat kanang utang at pagapply ng scholarship. Noong mag cocollege na ako, gusto kong maging isang animator! ang astig kaya… kaya lng wala namang pampaaral sakin ang parents ko eh,  kasi mamahaling university lng ang nagooffer ng course na yun. So sa BSU nalang din ako pumasok kung saan ako nag high school, sabi ko na lng sa sarili ko atleast kung sakaling grumaduate ako may award akong matatanggap.. “loyalty award”

Engineering ang kinuha ko kasi malaki daw ang sweldo pagnakatapos ka nito. So ako, wala ng entrance entrance exam pa sa mga premier schools gaya ng ateneo UP o lasalle, direcho akong nagexam sa BSU para kumuha ng engineering, nagiisa lang wala ng iba. Nakapasa naman ako kaya lng ang problema ko eh kung papano namin matutustusan ang pag aaral ko.  14k ang tuition ko bawat semester noon at di ko alam kung papano ko mababayaran yon,  buti na lng nakakapag enroll kahit P500 lng ang downpayment, sabi ko bahala na ung natitira pang tuition fee.

Hindi naging madali ang “university days” ko, kaliwat kanang utang, pag aapply ng scholarship at pagraraket ang naranasan ko pero kahit mahirap thankful ako kay God kasi never nya akong iniwan sa lahat ng pagsubok na yun.

Noong 5th year na ako ito ung isa sa mga malaking pagsubok na hinarap ko, dito na kasi ung mag thethesis na ako at kailangang makahanap ng OJT, kung saan saan din ako nag apply para sa OJT ko pero si God mahal nya talaga tayo at di nya tayo pinababayaan, isa ako sa mga napili ng isang oil and gas company para maging scholar nila, maganda ang program nila dahil sagot nila lahat ang tuition fee at may allowances pa ako. Ito ung isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko dahil sa loob ng 8 years ito ung pagkakataon na as in wala akong iintindihin sa para sa pagaaral ko. Yung allowances ko, inipon kong lahat yun para may pang gastos ako sa thesis namin at sa wakas grumaduate ako noong 2013!.

Inside the refinery noong nag o-OJT pa ako
Inside the refinery noong nag o-OJT pa ako

Isa sa pinakafulfilling na pakiramdam ang makagraduate ng college, masayang masaya ako dahil makakapagapply na ako ng trabaho at makakatulong na ako ng mas higit sa pamilya ko. Kaya lng, hindi din pala biro ang maghanap ng trabaho, may natira naman sa allowance na nakuha ko sa scholarship kaya un ang ginastos ko, pray ako ng pray kay God na sana magkatrabaho na ako at kung san man nya ako ilagay ay pagpalain nya ako.

Graduation day with mama :)
Graduation day with mama 🙂

Blessed ako dahil eventually na hire din ako. Mag 2 years na din nung simula akong magwork at masasabi ko na satisfied ako sa work ko dahil natutustusan ko ang lahat ng pangangailangan namin sa bahay, nakakapunta din ako sa mga bansang sa tv ko lng noon napapanuod.

My First time in London last 2014
My First time in London last 2014

Personally, madaming naging trials sa buhay ko(lahat naman tayo eh) at dun ko siguro narealize na hindi biro ang financial illiteracy.

Sabi nga diba “if you think learning is expensive then try ignorance”

Marami akong natutunan at narealize pagdating sa money and patuloy ko pang gustong matuto kung papano ko ba plaplanuhin ang financials ko dahil ayokong maging ignorante at gumising na lng ulit isang araw at sabihing “aba nasa financial disaster na pala ako”.

Hindi ako isang money expert o isang financial guru.

382409_4196029379401_1629833022_n
Book Signing with Mr Chink +

Mahilig lang talaga akong magbasa at umattend ng seminar tungkol sa financial literacy

At kagaya siguro ng karamihan…

“Ayoko na ng mediocre na buhay, ayoko ng umutang, ayoko ng walang savings, ayoko maging tambay, ayokong basta na lang ang magiging pagaaral ng future children ko, ayoko ng utang ang ipapamana ko, etc”.

Gusto ko ishare dito sa blog na to yung importance ng financial literacy, naniniwala kasi ako na merong magandang bukas para sa bawat isa, kailangan lang natin marealize ito. Basagin na natin ung mindset na “pinanganak kang mahirap, mawawala kang mahirap”.

Kung pinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun, pero kung wala kang gagawin tungkol dito aba nasa sa iyo yun.

“Gusto kong maging comfortable ako, ung tatanda akong secure ang future ko at hindi magiging pabigat sa future children ko pag matandang matanda na ako. Gusto kong mag iwan ng magandang legacy.”

So pano? Ready ka na bang sumama sakin sa journey natin to financial freedom? Kung oo, subscribe ka lang sa blog ko.

Thank you! 🙂

11 thoughts on “My Story”

  1. Nakakabilib yung story mo bro. Ako naman katatapos ng board exam ko last week, engineering din ako, and failed. Walang wala ako ngayon ni mismong pangpamasahe wala. Twice na ako nagfail sa board. Ang hirap din maghanap ng trabaho. Naiinis na ako sa nangyari sa buhay ko ngayon.

    1. Hi Roel,

      Alam ko yung nafefeel mo bro kasi madaming beses din akong nareject at nadown lalo na nung nagaaral pa lang ako pero sabi nga ni Thomas Edison
      “I have not failed. I’ve just found 10,000 ways that won’t work.” Hindi biro ang engineering na kurso at mas bilib ako sayo dahil kahit nag fail ka sa board nung unang beses nagpursigi ka pa din at kumuha ng pangalawa. Ituloy mo lang bro at patuloy na mangarap, hindi ka pababayaan ni God. All the best!

  2. Napaka-inspiring ng kwento mo, Abraham!

    Lalo pa na napakaganda ng pananaw mo sa buhay. Yung mga natutunan mo, maari mo syang isalibro upang magsilbing inspirasyon at dagdag kaalaman sa mga readers.

    I’m sure malayo ang mararating mo!

  3. Very inspiring story. I pray that many young people will have the same outlook in life like you only for HIS glory. More power Abe. and God bless:-)

  4. Mas bata kpa kaysa skin pero nkkta kung npkamature mo mg isip…bilib ako sa mga taong kagaya mo…one thing ung line sa blog mo n (ayoko umutang…
    Ayokong utang ipamamana ko…)im 30 but this coming year im planning to invest in stock market……goodluck stin lhat n nangangarap ng magandang buhay in the future

  5. Hello, good day!

    This is vin, thank you very much for this inspiring blog. this is the reason why im hunger for knowledge, to fight the financial crisis within me”,) I want also to inspire other people like you. I would like to mention the one that you said
    “hindi ako financial guru” -NO, you are”,)

    Please help me to create also a blog like this, cos i always subscribing a ‘FREE’ blog but you have to pay for a certain subscription, is that so? please help

    hoping to hear from you soon”,)
    love #thewiserbachelor

  6. Wow! Your story is very inspiring. And nakakatuwa because you also have a gift in writing. Keep on writing to inspire more lives. I also love reading financial literacy books. I followed your blog to keep updated. God bless po!

  7. galing mo bro! congrats! malaking inspirasyon ka sa mga kabataang nangagarap kahit hikahos sa buhay..napatunayan mo na walang imposible basta’t lagyan ng direksyon ang buhay, kahit sa ganyang antas ng edad mo nagawa mo ang mga bagay na sa ngayon ay salat sa karamihan ng mga kabataan..mas may edad ako sayo di hamak pero may nakuha akong aral..salamat bro!

  8. Lupit Abe.. Iba k tlga bro! Lagi taung mging gutom sating mga pangarap. Always be a positive aura to the people around you. God bless pare!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *